Day 24c: Magkunwari'y Madali
Hindi mahirap magkunwari,
Kung dugong artista'y namamayani;
Imahinasyon lang ang kailangan,
Konsentrasyon ay dapat galingan.
Malungkot ka man, pwedeng masaya,
Kung ang nililiyag mo'y maligaya;
Malakas ka man kay Darna,
Tanggal yan pag lashing ka.
Kung kalungkutan ang gusto mong ipakita,
Kahit sa kalaliman ng budhi mo'y masaya;
Maghiwa ng sibuyas na sangkaterba,
Ewan ko na lang kung di ka magngangangawa.
Bakit mo naman gustong magdepre-depresan,
Pangpaawa ba yan kung kanino man?
Pero kung ito'y tawag ng tanghalan,
Isipin mo na lang ang laking kawalan.
No comments:
Post a Comment